
PROBLEMA
Ano ba talaga itong problema
May nakakalito’t may nakakabaliw
Ano ba ang dapat gawin
Upang hindi mabibitin
Bakit ba may problema
Ang isang tao’ng may pag asa
Mabuti pa ang may kapansanan
Problema’y hindi dinaramdam
Problema, problema sa pamilya
Problema, problema sa eskwela
Problema, problema sa pera
Problema, problema sa barkada
Kung may problemang dumarating
Hindi alam kung ano ang dapat gawin
Paano ba ito lulutasin
Upang hindi na papasanin
Oh bakit hindi natin
Layuan ang Pagdaramdam
Nang problemang may kalutasan rin naman
By: Michael P. Lumibao
Date: April 22, 2008
No comments:
Post a Comment